Grabehan ang lakas, nagluluningning na estrella at kilig ang hatid ng hindi iniaasahang papatok na tambalan mula sa “Can’t Buy Me Love,” sina Maris Racal at Anthony Jennings.”
Bentang-benta sa mga madlang pipol ang Irene Tiu at Snoop bratinella yayamanin miss at binatang hoi polloi na maginoo pero medyo bastos trope.
Ayan na nga, ang palaban sa mga Sokor oppa sa papogian, kisis at talento sa pagkanta, si Darren Espanto, ginawa silang bida sa “Iyo” music video, ang pinakabagong romantic ballad mula kay young master Espanto. Isa talagang malaking tagumpay ang kanta na ang tema eh finding your one true love at ang pagsasalo niyo sa pagmamahalang walang kapantay.
Sa YouTube, ang “Iyo” ay pang-walong awit na trending sa kategoryang musika. Dalawang araw matapos itong ilapag sa merkado, sa YT, aabot na halos sa 250K views ito, may mahigit na na 20K likes, at todo ang mga commentary na pawang positibo, sa totoo lang.
Maliban sa letra at madamdaming pag-awit ni Darren dito, kilig to the max siempre pa ang batalyong Racal at Jennings fans kasi real na real ang jowa feels at galawan ng mga bida sa bidyo.
Hindi maitatanggi ang chemistry. Hindi maitatago na gusto nilang katrabaho ang isa’t-isa, may same energy at vibe sila na ibigay ang katotohanan at sinseridad sa kanilang mga katauhan. At natural na kiligin ang lahat sa dalawa kasi isang magandang binibini at isang magandang lalaki ang ating pinapanood.
Unexpected love team of 2024 ang turing si SnooRene, huh!. Ang bongga! Ang saya!
Naku, naku, naku, usong-uso yata ngayon na ang mga second lead sa mga teleserye, mas tumatatak, huh.
Ilang pang halimbawa dito ay ang TimPoch nina Zaijan Jaranilla at Miggy Jimenez, at RoxChie nina Xyriel Manabat at Elijah Canlas na pawang minahal at nagpakilig sa “Senior High.”
It comes in three na pala sila. Kailan kaya susugalan ng ABS-CBN Studios ang tatlong kakaibang tambalan na ito? Panalo na sa pelikula naman sila isalang para may bagong dahilan para sumugod at manood ang balana, dabarkads, kapatid at madlang pipol sa mga sinehan.
Ang panalo sa tambalan nina Racal at Anthony, eh kahit pa nga bukas na kasaysayan na in a happy relasyon ang pretty young miss sa OPM rock icon Rico Blanco, ang husay niya bilang Irene Tiu, ay pinupunan ni Anthony bilang si Snoop. Kaya pasok na pasok sa puso ng mga manonood.
Emotionally healthy at mature ang mga fan nina Racal at Jennings. Alam nila na role playing ang Irene at Snoop and they don’t mind it. Alam nila ang totoo na parehong mahuhusay na rtista ang iniidolo nila kaya dalang-dala sila, sa away-bati at kakaibang romansahan ng mga katauhang kanilang binibigyang buhay.
Kung hindi iyan great acting, ewan ko na lang sa inyo, huh! Kaya palakpakan na may kasamang sigawan sa panalong kanta ni Darren Espanto ang “Iyo” at kay Maris Racal at Anthony Jennings na lalong nagpatingkad sa mga letra at romansa na punong-puno ang bagong hit song.
**
Sa Ekis, nakaka-plot thickens ang chika na itong si Andrea Brillantes. Nagsumbong diumano kay Kyle Echarri patungkol sa mga paramdam mensahe ni Daniel Padilla sa kanya. Gusto na ngang komprontahin ni young master si Padilla para tantanan na nito ang kanyang BFF.
Ang ginawa ni Blythe, ayon sa mga paandar sa Ekis, eh ipinakita nito kay Kathryn Bernardo ang mga nasabing mensahe
Ang nakakabaliw na kaganapan, dahil bulag nga at bingi sa katotohanan diumano itong si Bernardo, kay DJ ang pagkampi nito at kinabwisit ang pagpapakatotoo ni Brillantes.
Ay! Nakakalokang chika talaga, di ba naman? Ano ang masasabi niyo, mga Chika-Diva mambabasa, sa bagong kabanata at pagsulong ng kwentong Daniel Padilla, Andrea Brillantes at Kathryn Bernardo?
Kaabang-abang pa ba o naghihikab na kayong lahat?