Kinilig ang mga netizens para kay Kylie Padilla nang ibahagi nito ang naging sorpresa sa kanya ng kanyang special someone at sa IG, ipinakita ng aktres ang mga natanggap niyang regalo nitong Valentine’s Day.
Nabunyag pa nga sa post kung ano ang tawagan nila sa isa’t-isa.
Makikita sa pictures ang mga rosas at cake na may nakasulat pang “I…LOVE YOU SQUIRTLE.”
Hanggang ngayon ay hindi pa niri-reveal ng aktres ang nagpapatibok ng kanyang puso, pero ang caption niya sa nasabing post, “Who likes pokemon? [emojis]”
Noong nakaraang buwan lamang nang sinagot ni Kylie kung sino ‘yung nag-viral na “mystery guy” na nakasama niya sa isang mall.
Ayon sa kanya, ito ‘yung taong nagpapasaya ng kanyang puso ngayon.
Ang kanyang pag-amin ay nangyari sa TikTok post ng celebrity fitness coach na si Francis Simon.
Hindi na idinetalye ni Kylie ang identity ng kanyang special someone, pero marami ang naniniwala na ang nakasama niya sa mall ay ang tattoo artist na si Jinno John Simon, na kapatid ni Francis.