Inihayag ni House Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda na malapit nang bumuti ang sitwasyon sa lahat ng terminal ng Ninoy Aquino International Airport kasunod ng pagkakapili sa San Miguel Corporation na siyang mangunguna sa pagsasagawa ng rehabilitasyon at privatization ng NAIA.
Ayon kay Salceda, ang P170 billion deal na isinara ng gobyerno at SMC ay maituturing na pinaka malaking public-private partnership project sa kasaysayan ng Pilipinas.
Inihayag ni Salceda na inaabangan na ang pagkakaroon ng agarang pagbabago sa NAIA at kabilang sa mga inaasahang pagbabago ay ang paglalagay ng mga walkalators sa NAIA Terminal 3, Interconnection ng Terminals 1,2,3 at mas maayos na lounge facilities para sa mga overseas Filipino workers.
Dahil sa naturang deal, pinuri ni Salceda si Transportation Secretary Jaime bautista at Finance Secretary Ralph Recto sa pagselyo sa nasabing kasunduan.
Kumpiyansa naman ang Kongresista na naging quick, easy and fair ang isinagawang bidding para rito.