Himalang nakaligtas ang isang 27-anyos na lalaki matapos siyang barilin ng kaniyang kaibigan na ex-boyfriend ng kaniyang kasintahan sa Cagayan de Oro City.
Kinilala ang biktima na si Patrick Minerva, na nagtamo ng sugat sa hita habang patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Jess Anthony Daya, na tumakas matapos mamaril.
Selos ang tinitingnang anggulo ng mga awtoridad, dahil kinakasama ni Minerva ang dating nobya ni Daya.
Nagpapagaling sa ospital si Minerva, na hindi nagbigay ng pahayag.