Matapos mag-celebrate ng kanyang ika-100 taong kaarawan si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile nitong Miyerkules, inihayag ng Department of Social Welfare and Development na nagkaloob na ang ahensya ng P100,000 na cash gift na ibinibigay sa mga centenarians.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, noong Miyerkules din ibinigay ng ahensya ang cash gift para kay Enrile.
Nitong Miyerkules rin ay nagdaos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang salo-salo sa Palasyo para kay Enrile na tinawag niyang icon at “pantheon of Philippine history” at ayon sa Pangulo, mapalad siyang makatrabaho si Enrile, na nagsilbi rin sa ilalim ng administrasyon ng kaniyang ama na si Marcos Sr.
Pinasalamatan naman ni Enrile ang mga magulang ni Marcos na sina Marcos Sr. dating First Lady Imelda Marcos, at sinabing “happiest moment of my life” ang panahon na nagsilbi siya noon sa administasyon ng nakatatandang Marcos, at sa nakababatang Marcos ngayon.
”I would like to thank your father and your mother for what they did to make me what I am today before you,” sabi ni Enrile. “The happiest moment of my life was when I served the first presidency of a Marcos President and the second time is now that I’m serving the son of that president, our President Bongbong Marcos.”