Binigyang-pugay ni House Speaker Martin Romualdez ang mga pilipinong magsasaka sa kanilang nakamit na historic milestone ang record-breaking na produksiyon ng palay na umabot sa 20 million metric tons nuong 2023 na malaking kontribusyon sa naitalang kakulangan ng bigas sa bansa.
Ayon kay Romualdez, kinilala rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahanga-hangang tagumpay na ito, na iniugnay sa 1.5 percent na pagtaas mula sa nakaraang taon, kasama ang pangako ng gobyerno sa pagbibigay ng mga de-kalidad na punla at pataba.
Kinilala din ni Romualdez sina Marcos at Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa kanilang hindi natitinag na dedikasyon upang palakasin ang modernisasyon sa sektor ng grikultura at pahusayin ang produksyon ng pagkain sa kabila ng mga hamon na dulot ng El Niño.
Giit ng House Speaker, ang pambihirang produksiyon ng bigas ay malaki ang naiambag sa pagtataas ng pinagsamang halaga ng sektor ng agrikultura at pangisdaan na nasa P1.763 trilyon noong 2023, na lumagpas sa P1.757 trilyon noong 2022.
“This exceptional achievement by our hardworking farmers is truly deserving of praise. They are undeniably the cornerstone and solution to our nation’s rice scarcity,” sabi ni Romualdez.
Una ng ipinagmalaki ni Marcos ang pagtaas ng rice production ng bansa at dagdag niya, ito ay dahil sa pinagsama-samang pagsisikap ng ibat ibang concerned agencies.