Pormal nang nilagyan ng sash ng Miss Universe Philippines-Cainta, Rizal 2024 si Stacey Gabriel bilang tanda ng kanyang paglahok sa lokal na bersyon ng pandaigdigang pagandahan sa pag-asang maging kinatawan ng Pilipinas sa pandaigdigang timpalak.
Binansagan ng aktres ang kinakaharap niyang hamon na “digmaang pangkalawakan” nang makaharap niya ang media kahapon.
Sinabi niya na naghahanda na siya sa nakalipas na dalawang taon na sumali sa Miss Universe, mula pa noong kanyang paglahok sa Binibining Pilipinas pageant noong 2022 kung saan siya ay naging second runner-up.
“I decided in my heart that I would be joining Miss Universe Philippines. Hindi kami magpipigil. I have been silently, incessantly working on myself behind the scenes,” aniya.
Naging emosyonal ang 26 anyos na kandidata, habang pinasalamatan niya ang kanyang ina — ang kanyang numero unong tagasuporta.
“Lahat ng bagay ay utang ko sa aking ina,” aniya.
Binigyang-diin din ni Gabriel na isa sa mga bagay na gusto niyang gawin sa kanyang paglalakbay ay ipagpatuloy ang ministeryo sa bilangguan ng kanyang lola.
Mahalaga rin sila at bahagi sila ng ating komunidad. Tinuruan ako ng aking lola habang lumalaki na kung sino yung outcast sa lipunan, siya ‘yung mahal mo dahil sila ang pinakanangangailangan ng pagmamahal,” pahayag ni Gabriel.
Bahagi ng paghahanda niya ang pagpapanatili ng kanyang super trim figure sa tulong ng kanyang ina bilang kanyang nutritionist.
“Ang aking ina ay gumawa ng masustansyang pagkain para sa akin. Nagsisimula ang lahat sa iyong diyeta. Ang lahat ay nagsisimula at nagtatapos sa iyong diyeta kaya naramdaman ko ang aking sarili na mas masaya at mas malinaw ang pag-iisip,” sabi niya.
Hindi naman nag-aalala si Gabriel sa kanyang 5’5″ na taas.
“Ang maidudulot ko sa Miss Universe ay ang init, kabutihang loob, at sinseridad ng aking puso,” aniya.