Nakakaiyak ang tila eulogy ng It’s Showtime host na si Kim Chiu para sa Dreamscape head na si Deo Endrinal.
Isang very touching tribute kasi sa kanyang Instagram ang kanyag ipinost.
“Sir deo
“The master weaver of impossible to possible.
“I don’t know where to start sa dami ng gusto kong sabihin at ipaalam sa lahat on how you played a huge role in my life.I once dreamt of being seen on TV and helping my family. That was my only wish when I started showbiz, but a 16-year-old dreamer would never have what I am experiencing right now if no one believed in me. A teenager with no talent, just hope, and big dreams in my pocket. Right after PBB at the victory party in 2006, he approached me and asked, “Ano kayang mong gawin?. “ Sabi ko “wala po, nahihiya po ako.” Then he told me mag workshop ka lang may project akong bagay sayo,” say niya.
“Then he gave me #LoveSpell while doing it. I cried hard because I wanted to go home to Cebu out of frustration. After all, I don’t know how to act, plus my prosthetics pa. He gave me the role of a girl and a boy simultaneously. When he knew about me having a hard time, He went on set and talked to me, closed door, and asked me “why I was doing this. For whom am I doing all this? What do I want and why?” Then I quickly answered, “Gusto ko e ahon ang mga kapatid ko sa hirap, makapagtapos sila ng pag aaral, yung hindi na po kami nanghihingi at nakikitira.” Then he immediately told me,“Yan ang lagi mong iisipin pag napapagod at nahihirapan ka. Wag kang susuko basta basta Kim.” After that, nakatatak na sa utak ko lagi yung sinabi niya,” dagdag niya.
“For my every win and every loss, Sir Deo has always been there for me,” deklarasyon ng bida sa Linlang.
“He didn’t leave my side. He is always there, and he is always the first person to believe in me when no one does. He always fights for me; He gave me light and hope whenever I felt down. He always gives me advice and tells me in my face the hurtful truth when no one can even say it. He saw me at my worst; I almost gave up showbiz, packed my bags, and was about to leave the country for good. Yet, he has always been there to help me stand up again. Tumapang ako because of him. Thank you, Sir Deo. I am not where I am now if not because of you. You will always have a special place in my heart. I am forever grateful for all your help, for all your greatness and generosity. You will always be remembered. I love you so much.”
***
“People can be so mean. So mean.”
‘Yan ang post ni Carla Abellana and people thought nma iyan ang sagot niya sa mga nam-bash sa kanyang preloved items na ibinebenta niya online.
Marami kasing netizens ang namahalan sa presyo ni Carla sa kanyang preloved items. At hindi rin nila nagustuhan ang condition ng kanyang ibinebenta. Hindi na raw kasi magandang ang condition ng preloved items. Sana raw ay ipinaayos muna niya ang mga ito.
Sa isang popular website, muling na-bash si Carla dahil sa kanyang recent pot.
“Linisin mo muna kasi bago mo benta or else donate mo nalang , kahit nga donation nkakahiya mag donate ng dugyot pls no bashing here, sa truth lang tayo, it reflects your personality sa mga gamit na binebenta mo,” say ng isang basher.
“Ok lang na mahal ksi luxury brand pero pls lasog lasog na at nanggigitata hallerrrr, ok lang na preloved luxury na medjo expensive pa rin depende sa condition at if vintage may history keneso,” mataray ng komento ng isang basher.
“Hindi ba parang sya ang”mean” sa mga binebenta nyang ganun kaluma at kadugyot? Na para bang pinapamukha nya sa ibang tao na may bibili pa rin “kasi hindi afford ang brand new”. Ang daming nagtitinda online maayos naman ang binebenta nila hindi naman ganun kaluma, karumi at kamahal. E knowing na artista sya,ms. Prim & proper, mahinhin, mayaman, malinis sa katawan tapos ganun ang ibebenta. Sino naman di mapapa react di ba! Tsaka tumigil kayo na ang mga nag rereact e mga walang pambili daw. Jusme ke bibii o hindi, magrereact talaga at pagtatawanan ang mga pinost nyang yun,’ say ng isa pang basher.