Inihayag ni Department of Department of Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy na nais umano ng China makipagtulungan hinggil sa ginagawang imbestigasyon sa tangkang pag hack sa website ng Overseas Workers Welfare Administration at iba pang ahensia ng gobyerno.
Ayon kay Uy, naghayag umano ng kahandaang tumulong ang China at humihingi sa DICT ng detalye kung ano ang nangyari para mahanap umano nila kung saan at sino ang gumawa ng tangkang pag hack upang kanilang mapanagot.
Dagdag pa niya, bukas sila sa ganitong pakikipag tulungan lalo pa at laganap na aniya ang mga cybercrimes kahit saang parte ng mundo.
Ayon pa sa kalihim, karamihan sa mga cyber criminal organizations ay nagtatago sa ibang bansa habang gumagawa ng mga kababalaghan sa internet.
Iginiit rin ni Uy hindi rin nila isinasantabi ang posibilidad na may kinalaman sa isyu ng west philippine sea ang tangkang pag hack sa mga website ng ibat ibang government agencies.
Ipinagmalaki din ni Uy na hindi tumitigil ang kanilang ahensiya para tugisin ang mga hackers.