Isang sampung taong gulang na bata ang nasawi matapos umanong mabaril sa Pamplona, Negros Oriental habang sugatan naman ang tatlo niyang pinsan na mga menor de edad din.
Base sa imbestigasyon, naglalaro ang biktima at kanyang mga pinsan sa bahay ng kanilang lola nang may magpaputok ng baril at matapos nito ay nakita na lang ang bata na nakahandusay na.
Hindi pa matukoy ang salarin.
Isang anggulong tinitingnan ng pulisya ang alitan umano ng pamilya sa kapitbahay.