Apat na bayan sa Bicol ang maaaring tamaan ng ashfall galing sa Bulkang Mayon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Paliwanag ni Dr. Paul Alanis, volcanologist ng Phivolcs, bumuga ng abo at usok ang bulkan mga alas-4:37 ng hapon hanggang alas-4:40 n.h. sa taas na 1,200 metro kahapon.
Kaya posibleng umulan ng abo sa mga bayan ng Daraga, Albay, Camalig and Guinobatan, aniya.
Sinabi naman ni Albay Gov. Grex Lagman na walang dapat ikabahala ang pag-usok ng Mayon batay sa abiso ng Albay Public Safety and Emergency Management Office sa kanya.
Sinabi ng pinuno ng nasabing opisina na si Dr. Cedric Daep na puting singaw lamang ang ibinuga ng bulkan.
Gayundin ang payo ng Phivolcs sa gobernador, dagdag ni Lagman.
Kasalukuyang nasa Alert Level 2 ang kalagayan ng Mayon kaya inaasahan ang nasabing pag-usok nito, ayon sa Phivolcs.