Ang anim na solong Nike Air Jordans na sapatos na isinuot ng Amerikanong basketball star na si Michael Jordan noong dekada 1990 ay naibenta noong Biyernes sa halagang $8 milyon, ayon sa auction house na Sotheby’s.
Ibinigay ni Jordan ang kapareha ng mga sapatos kay Tim Hallam, communications executive ng dati niyang koponan na Chicago Bulls, pagkatapos ng mga panalong laban ng team niya na nakasungkit ng anim na National Basketball Association tropeo mula 1991 hanggang 1993 at 1996 hanggang 1998.
Ang anim na sapatos na naibenta noong Biyernes ay isang Air Jordan VI (1991), VII (1992), VIII (1993), XI (1996), XII (1997) at isang Air Jordan XIV (1998).
Ang presyo ng pagbili nito sa auction sa Sotheby’s sa New York ay ang pangalawang pinakamataas na halaga para sa mga koleksyong Michael Jordan.
Ang mga presyong naabot para sa tinaguriang “Dynasty Collection” ay “malamang na hindi na muling mauulit,” pahayag ng Sotheby’s na hindi ibinunyag ng pagkakakilanlan ng nanalong bidder.
“Ang record-breaking na presyo ngayon ay isang testamento sa GOAT,” sabi ni Brahm Wachter, pinuno ng Modern Collectibles ng Sotheby’s, gamit ang isang sikat na acronym para sa “greatest of all time.”
Noong nakaraang Abril, ang kumpanyang pag-aari ng French-Israeli tycoon na si Patrick Drahi ay nag-auction ng isang pares ng sneakers na isinuot ni Jordan sa kanyang huling championship final sa Chicago Bulls noong 1998 at nabili ito sa halagang $2.2 milyon.
Iyon ay isang rekord para sa sapatos, “Bred” (“Black and Red”) Air Jordan XIII, na nilagdaan ng manlalaro.
Isinuot niya ang mga ito sa Salt Lake City para sa NBA Finals laban sa Utah Jazz, na may dokumentaryo sa Netflix at ESPN na pinamagatang “The Last Dance.”