Papayagan ng Canada na isama ang mga pasyenteng may sakit sa pag-iisip sa mga maaaring makapag-euthanasia sa 2027
Ang euthanasia sa Canada o pagpapakamatay na tinulungan ng doktor ay para lamang sa mga may karamdamang nakamamatay. Naaprubahan ito ng gobyerno noong 2016.
Ang batas sa euthanasia ay palalawakin ngayong taon upang payagan ang mga pasyenteng may sakit sa pag-iisip na humiling ng assisted suicide.
Paulit-ulit na naantala ng Ottawa ang paglulunsad nito, na ngayon ay naka-iskedyul pagkatapos ng susunod na pederal na halalan.
Ang Ministro ng Kalusugan na si Mark Holland ang nag-anunsyo ng pagpapalawig ng batas upang mabigyan ng sapat na kahandaan ang estado sa pagpapatupad nito.
Sinabi niya na ang lahat ng 13 probinsya at teritoryo, na responsable para sa pangangalagang pangkalusugan sa Canada, ay nag-ulat na hindi pa sila handa.
Sinabi ng isang ulat ng komite ng parlyamento noong nakaraang buwan na maraming mga duktor ang nag-aalala tungkol sa pagkakaiba ng mga kahilingan para sa euthanasia mula sa mga pagtatangkang magpakamatay, at tungkol sa “pagprotekta sa mga pinaka-mahina sa ating lipunan.”
Halos 45,000 Canadian ang nakatanggap ng tinulungang kamatayan sa pagitan ng 2016 at 2022.