Aminado ang aktres na si Max Collins na tumutol siya sa pagsabak muli ni Michelle Dee sa Miss Universe dahil nag-aalala umano siya para sa kaibigan dahil pinagsasabay ni Michelle ang pageantry at acting career.
Sa isang panayam kay Max kung saan kasama rin niya ang mga kaibigang si Michelle at Rhian Ramos, sinabi niya na nag-alala siya dahil sobrang stressed na umano ang kaibigan niya.
“Ako kumontra ako because at the time I could see that she’s so stressed baka it’s not, kasi pinagsabay niya ‘yung show at the same time ‘yung pageant,” saad ng dalaga.
“So sabi ko I feel like kailangan mo mamili. Hindi pwedeng dalawa, that was my two cents. Nagkamali ako,” dagdag niya.
Nilinaw naman ni Michelle na hindi lang naman si Max ang against sa kanyang pagsali sa MUPH, may ibang mga kaibigan din daw siya na kumokontra na.
“They witnessed the struggle and the heartbreak that I went through from the previous year when I didn’t bring home the crown so of course out of their love for me,” sabi ni Michelle.
“It wasn’t just Max who were making me second-guess my desire to join again, but a lot of people who were important to me, like I trust the opinion of, we’re really making me think twice,” dagdag niya.
Kung matatandaan, noong November 25 nang nakauwi na sa Pilipinas si Michelle makalipas ang isang buwan sa El Salvador para sa Miss Universe competition.