Nasamsam ng mga pulis sa Colombia ang 130 makamandag na palaka na pinupuslit sa paliparan ng Bogota, Colombia noong Lunes at inaresto ang babaeng Brazilian na nagdadala sa mga ito.
Dala ng babae ang makukulay na harlequin poison frogs (oophaga histrionica) sa loob ng mga lalagyan ng film habang patungo sa Sao Paulo.
“Inaamin niya na isang lokal na pamayanan ang nagbigay sa kanila bilang regalo,” sabi ni Bogota Environment Secretary Adriana Soto sa isang video na ibinahagi sa media.
Ang mga palaka ay may sukat na wala pang limang sentimetro (dalawang pulgada) at naninirahan ito sa mamasa-masa na kagubatan sa baybayin ng Pasipiko sa pagitan ng Ecuador at Colombia, gayundin sa ibang mga bansa sa Gitna at Timog America.
“Ang endangered species na ito ay hinahangad sa mga internasyonal na merkado,” sabi ni Bogota Police Commander Juan Carlos Arevalo.
Ang mga pribadong kolektor ay maaaring magbayad ng hanggang $1,000 para sa bawat isang palaka, aniya.
Iniulat ng pulisya na ang babaeng may dalang mga palaka ay inaresto “para sa krimen ng pagsubaybay sa mga hayop” bago ibigay sa tanggapan ng tagausig.
Pangkaraniwan ang pangangalakal ng mga hayop sa Colombia na may mayamang uri ng mga amphibian, maliliit na mammal at hayop sa dagat, tulad ng pating.