Aminado ang aktres na si Carla Abellana na wala naman umanong problema kung magkakasalubong muli ang landas nila ng kanyang ex-husband na si Tom Rodriguez.
Nitong nakaraan kasi ay napabalitang nakabalik na sa bansa si Tom mula abroad after two years kaya natanong si Carla kung ano ang magiging reaksyon niya kung sakaling magkita silang muli ni Tom.
“I didn’t even know ngayon ko lang nalaman (na nakauwi na si Tom). I don’t feel intimidated, scared, nervous. Wala namang ganoon,” sabi ni Carla. “Of course artista siya may obligation siya. He’s a Kapuso, dadating naman talaga yung day na babalik siya sa trabaho.”
“Hindi naman maiiwasan ‘yan. I’ve thought about it many times, expected naman ‘yan, nobody just knew when,” dagdag niya.
“I think naman okay lang. Ready naman ako. Hindi naman ako yung type na ay ayoko or avoidance or what. Its inevitable ika nga,” sabi pa ni Carla.