Inamin ng beauty queen at ngayon ay aktres na si Celeste Cortesi na handa na siyang harapin ang magiging mga pagsubok sa pagpasok niya sa mundo ng showbiz at nais rin niyang makatrabaho ang Pambansang Bae na si Alden Richards.
“I know Alden. He’s a good friend of mine. Sana magkatrabaho kami. Let’s see. We’ve been going to the same gym together. He’s such a good actor. I hear so many good things about him,” sabi ni Celeste.
“So definitely, if I have given the chance to work with him, it will be a very good chance for me to learn and grow,” dagdag niya.
Bukod kay Alden, gusto rin niyang makatrabaho si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.
“For a project, I’m pretty much open to explore anything, just because it’s a professional environment. Of course, I would love to work with Michelle Dee.
Aminado rin ang dalaga na matagal na niyang gustong mag-artista pero mas nauna lang daw ang pagtupad niya sa isa pa niyang ultimate dream – ang maging beauty queen.
In fact, bago pa man siya rumampa nang bonggang-bongga sa mundo ng beauty pageant ay sumailalim muna siya sa acting workshop.
Pero pansamantala muna niyang isinantabi ang pangarap niyang maging artista dahil kailangan niyang mag-training para sa Miss Universe Philippines 2022.