Nasa Vietnam na ngayon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa isang state visit kung saan tiniyak niya na ang kanyang pagbisita sa naturang bansa ay upang palakasin ang maritime cooperation at ugnayan sa trade and investment deals.
Bukod sa pakikipagpulong sa mga lider ng Vietnam ay inaasahan rin na makikipagpulong rin ang Pangulo sa mga Filipino community doon.
Ayon kay Marcos, ang maritime cooperation ay isa sa cornerstone sa Strategic partnership na ipapanday ng Pilipinas at Vietnam.
Dagdag pa niya, mayroon umanong 39 signed agreements sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam ito ay sa trade and investments, customs, air services, agriculture, visa waivers for diplomatic and official passport holders, visa facilitation, tourism at iba pa.
Binigyang-diin ng Pangulo ang kaniyang nakatakdang pulong sa business sector upang mapalakas pa ang trade and investments sa pagitan ng dalawang bansa.
Nagtungo sa Vietnam ang Pangulo batay sa imbitasyon ni Pangulong Vo Van Thuong.
Makikipag pulong din si Marcos kay Pang. Vo Van Thuong at Prime Minister Pham Minh Chinh at Chairman ng National Assembly Vuong Dinh Hue.
Ang Vietnam ay tahanan din ng 7,000 overseas Filipino workers kung saan ang kanilang remittances ay umaabot sa $13,683,000.