Lapnos ang mukha, balikat at dibdib ng isang taong gulang na bata matapos siyang mabanlian ng kumukulong tubig sa Mangatarem, Pangasinan.
Ayon sa mga ulat, inilahad ng ama ni Alvina Rosete na aksidenteng natabig ng kaniyang anak ang mainit na tubig na inilapag ng kaniyang asawa sa kusina na pangtimpla sana ng kape.
Ipagdiriwang pa naman ni Alvina ang kaniyang kaarawan sa Linggo.
Nanawagan ng tulong ang kaniyang pamilya para sa kanilang gastusin sa pagpapagamot ng bata sa ospital.