Inihayag ni Davao City Mayor Sebastian Duterte nitong Linggo na mas mabuti pa umanong bumaba na sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung wala umano itong pagmamahal sa bayan.
Sa isang leaders’ forum na “Hakbang ng Maisug” sa Davao City inihayag ng Davao City mayor na marami na umanong kinakaharap na problema ang bayan lalo na pagdating sa mga krimen at illegal drugs.
Nagpahayag rin ng pagkadismaya ang anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kumakalat ngayong mga balita na bubuhaying muli ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front.
“We are unhappy. Bakit, nandito ba kayo dahil masaya kayo? Because all of this thing that he is causing is oppressing the people. Hindi nila inuna ang kanilang trabaho. So ngayon, instead of opening up new opportunities, especially for those in the lower classes para mag-improve ang buhay ng mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap, inuna nila ang kanilang sarili,” saad ni Baste Duterte.
“Mr. President, kung wala kang pagmamahal at aspirations sa ‘yong bansa, resign,” dagdag niya.
Kasama rin sa nasabing leaders’ forum sa Davao ang dating Pangulo, dating presidential spokesperson Harry Roque at dating Cabinet Secretary Leoncio “Jun” Evasco Jr.