Inihayag ni dating Philippine National Police-Special Action Force chief Getulio Napeñas Jr. na hindi pa rin umano naisisilbi ang hustisya para sa tinaguriang SAF 44 na nasawi sa tinauriang 2015 Mamasapano massacre.
Ginawa ni Napeñas ang pahayag sa kaniyang pagdalo sa idinaos na National Remembrance of the Heroic Sacrifice of the SAF 44 sa PNP academy.
Ayon sa kanya, hindi pa rin umano naisasampa ang mga reklamo laban sa mga napatay na SAF 44 na nagsagawa non ng operasyon para arestuhin ang international terrorist sa Mamasapano, Maguindanao.
Dagdag pa niya, nais niyang makita na masampahan ng kaso ang mga pumatay o nangmasaker sa kanilang mga kasamahan at inihirit din niya kung sapat na ba na nagkaroon ng peace process noon.