Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez nitong Huwebes na hindi umano niya papatulan ang mga ipinupukol na batikos sa Kamara o maging sa kanya na may kaugnayan sa isinusulong na Charter Change o Cha-Cha.
Kasunod ito nang maglabas ng manifesto ang Senado na nagpapahayag nang pagtutol sa People’s Initiative o PI kung saan kumakalat na ang House Speaker umano ang nasa likod nito.
Ayon kay Romualdez, nirerespeto niya ang mga pahayag o opinyon ng iba dahil karapatan nilang magsalita subalit wala umano siyang balak na patulan ito at iginiit niyang mas handa siyang makipag-tulungan sa mga senador “hand in hand” at i-embrace o yakapin ang Resolution of Both Houses No. 6.
Giit pa ni Romualdez, ang economic Cha-Cha na kanyang itinutulak ay para sa mga Pilipino at hindi para sa mga kongresista, sa mga senador o para kay Presidente Ferdinand Marcos Jr.
Binigyang-diin ni na posible ang RBH no. 6 ang solusyon sa mga hinaing ng mga tao, o mga kinakaharap na problema ng bansa.