Inihayag ng Department of Foreign Affairs nitong Huwebes na nananatiling nasa pre-indictment detention ang dalawang Pilipino na inaresto sa Japan dahil umano sa kaugnayan ng mga ito sa pagkamatay ng mag-asawang Hapones sa Tokyo.
Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, wala pa rin umano sa tamang oras upang makapagpiyansa ang dalawang inarestong Pinoy.
Paliwanag pa ni De Vega, ang mga indibidwal na inaaresto sa Japan ay walang kasamang abogado habang kinakastigo sila ng pulis at ipinapakita ang ebidensiya laban sa kanila at magiging basehan ang isinagawang imbestigasyon kung saan sa loob ng 10 araw o higit pa magpapasya ang police kung magsasampa o hindi ng kaso kayat sa ngayon ay hindi pa oras para sa piyansa.
Kung matatandaan, unang inaresto ang dalawang Pilipino matapos na hindi umano inireport sa mga awtoridad ang pagkamatay ng mag-asawang Hapones na sina Norihiro at Kimie Takahashi kung saan nakuha sa CCTV footage ang 2 Pinoy na nasa lugar.
Dagdag ni De Vega, ang ikinasawi ng mag-asawang Hapones ay multiple stabbing
Samantala, una ng itinanggi ng isa sa inaresto na pinay na si Hazel Ann Morales ang mga akusasyon laban sa kaniya.
Umapela naman ang DFA sa publiko na huwag paniwalaan ang anumang ispukalasyon sa dalawang Pinoy na umamin na umano ang mga ito dahil walang inilalabas pa na opisyal na pahayag an gobyerno ng Japan na indicted na ang mga ito.
Sinabi pa ni De Vega sa isang panayam ng “Usapang OFW” ng Daily Tribune na nasa maayos na kalagayan si Morales at nagbigay ito ng mensahe na walang dapat ipag-alala ang kanyang pamilya at sinabi rin niyang alagaan ang kanyang anak.