Pinalagan ng aktres at TV host na si Anne Curtis ang isang netizen na nagkomento ng hindi maganda sa kanyang personal assitant na si Maryann Ontay.
Nitong nakaraan kasi, nagpost ang actress sa kanyang IG kasama ang kanyang PA na binati niya dahil birthday.
“To our dearest @meanontay, happy happy birthday. We are so blessed to have you as part of our family. We love you so much Dahlia’s Tita Me! Happy happy birthday!” sabi ni Anne sa caption.
Makikita rin na maging ang ilang kaibigan ni Anne sa showbiz na sina Bea Alonzo, Jugs Jugueta, Angelica Panganiban, Liz Uy, Iza Calzado, Iya Villania at marami pang iba ang nagpaabot rin ng kanilang pagbati kay Maryann.
Ngunit sa kabila ng masayang post ay isang comment naman ang kapansin-pansin dahil tila hindi nito nagustuhan ang pagpo-post ng “It’s Showtime” host ng larawan nila ng PA sa IG nito.
“Happy Birthday po!! Pero suggest ko lang you can post it nalang sa story ung birthday greetings instead IG post, since hindi po bagay sa IG feed niyo po,” saad ng netizen.
May respetong sinagot naman ni Anne ang comment ng netizen at sinabing pamilya na para sa kanya si Maryann at giit pa ng aktres, hindi rin naman daw curated ang kanyang IG feed kaya ok lang na mag-post siya mg kahit anong nais niya.
“She’s a family member so bagay talaga sya sa feed ko [raising hands emoji] plus hindi naman curated feed ko. So walang ganyan ganyan. But thank you sa suggestion [face blowing a kiss emoji],” sabi ni Anne.