Nasugatan sa ulo ang isang lalaking nabiktima ng mga holdaper sa EDSA-Santolan nitong Miyerkoles ng madaling-araw.
Base sa ulat ng DOTr-Special Action and Intelligence Committee for Transportation, naglalakad ang lalaking biktima sa ilalim ng Santolan flyover nang hampasin siya sa ulo ng hindi pa nakilalang salarin.
Natumba ang biktima at natangay ng kawatan ang kanyang wallet at cellphone.
Agad rumesponde ang mga security guard na malapit sa pinangyarihan ng krimen at isinugod sa ospital ang biktima.
Naipasa na sa Philippine National Police ang detalye ng insidente para sa patuloy na imbestigasyon.