Labindalawang tao ang nasugatan kahapon nang lumampas ang isang eroplanong militar ng Myanmar sa isang runway habang lumalapag sa India upang sunduin ang mga sundalong umatras sa mga rebelde at napilitang lumikas doon.
Ang Shaanxi Y-8 turboprop na gawa ng Tsina ay lumusot sa tarmac ilang sandali bago magtanghali sa Lengpui, ang pangunahing paliparan ng estado ng Mizoram ng India.
Sinabi sa Agence France-Presse ng opisyal ng Airport Authority of India na ayaw magpakilala na apat sa 12 na nasugatan sa sakuna ang nasa seryosong kondisyon sa ospital.
Sa video footage ng sakuna na ipinalabas ng mga lokal na brodkaster, ipinakita ng nakabaluktot ang fuselage ng eruplano, na naputol sa matataas na damo pagkatapos dumausdos pababa sa isang pilapil.
May 276 na tropang Myanmar ang tumawid sa India noong nakaraang linggo upang takasan ang mga umaatakeng armadong rebelde.
Niyanig ng mga sagupaan ang ilang bahagi ng Myanmar malapit sa hangganan ng India mula nang salakayin ng Arakan Army ang mga pwersa ng Myanmar noong Nobyembre, na nagtapos ng tigil-putukan ng mga sundalo at rebelde.
Ngunit nitong buwang ito sinabi ng AA na sinakop nito ang pangunahing bayan ng Paletwa at anim na base militar sa hangganan ng Mizoram.