May bagong offering ngayong 2024 ang Vivamax – ang “Palipat-lipat, Papalit-palit” na pinagbibidahan nina Denise Esteban, Aiko Garcia, at Victor Relosa.
Ang pelikulang ito ang itatapat umano sa “Room Service” na isang sex-drama Vivamax Original Movie na una ring offering ng cult director na si Roman Perez Jr.’s ngayong 2024.
Batay sa kuwento, magugulo ang buhay ng mag-asawa na namumuhay ng payak at payapa sa pagdating ng isang misteryosa at nakakaakit na dalaga.
Sina Edna (Denise Esteban) at Larry (Victor Relosa) ay mag-asawang masayang namumuhay ng simple sa probinsya habang nagtatrabaho sa kanilang tahungan, pero nagbago iyon nang makita nila ang isang walang malay na babae (Aiko Garcia) na may hawak na puting bimpo sa kanilang tahungan. Tutulungan nila ang babae at iuuwi sa bahay.
Malalaman nila kalaunan na Amy ang pangalan nito at naaksidente siya at ang kanyang asawa nang masira ang sinasakyang bangka habang nasa laot at siya ay inanod papunta sa tahungan.
Aalagaan nina Edna at Larry si Amy at tutulungan na maka-recover, at sa paglipas ng mga linggo at buwan ay magiging komportable sa iisang bubong ang mag-asawa at si Amy.
Pero ang maganda nilang samahan ay magiging komplikado nang magsimulang mahulog si Amy sa kakisigan at kabaitan ni Larry.
Iyan ang dapat pakaabangan sa Vivamax offering na ito.