Sa wakas ay binasag na rin ng aktres na si Sarah Lahbati ang kanyang katahimikan patungkol sa kasalukuyang relationship status nila ng mister na si Richard Gutierrez.
Sa isang panayam, sinabi ni Sarah na okay silang dalawa ni Richard at siya raw ay “happy and grateful.”
“We’re okay,” sagot ng aktres nang tanungin sa sitwasyon nila ng asawa. “I’m holding up pretty well. I’m happy. Again, I’m grateful. There’s nothing more to say than I’m really feeling blessed. And it’s a good time to just work on myself.”
Kung matatandaan, matagal-tagal na ring pinag-uusapan ang celebrity couple matapos lumabas ang chismis na hiwalay na sila.
Matatandaan din na ang ina ni Richard na si Annabelle Rama ang unang nagbunyag na nakatira sa kanya ang anak at pinatamaan pa si Sarah bilang magastos.
At speaking of being gastusera umano ng aktres, nagbigay ng pahayag si Sarah na kung saan iginiit niya na mas magandang magkaroon ng sariling pera ang mga kababaihan, lalo na ang mga may asawa.
“I think when you work hard for your own money, you don’t owe anyone any explanation,” sabi ni Sarah. “You work so hard to do what? To explain yourself? No. If you have a job and you work so hard, then you don’t have to explain yourself to anyone.”
“Just do your thing, whatever it is that you want to do,” dagdag niya.