Aminado si House Ways and Means chairperson at Albay Representative Joey Salceda na makukuha ng People’s Initiative ang 12 percent ng mga kailangang pirma nationwide ngayong linggo upang amyendahan ang 1987 Philippine Constitution.
Ayon kay Salceda, inaasahan niya ang ratipikasyon ng mga botante sa Hulyo kahit na nanindigan siya na maaaring igiit ng House of Representatives ang mga rebisyon nito sa mga probisyong pang-ekonomiya ng 1987 Constitution, na kaniyang sinasabi na mas malaki ang epekto sa ekonomiya kaysa sa bersyon ng Senado.
Kinumpirma din ni Salceda ang umano’y timeline of events para sa nasabing inisyatibo na unang inilabas ni Kabataan Party List.
Batay sa timeline inaasahan ng mga charter change advocates ang plebisito sa buwan ng July.
Tumanggi naman si Salceda na pangalanan ang 20 legislative districts kung saan nagkakaroon ng malaking problema sa pagkuha ng 3% na required sa bawat distrito.
Batay sa datos sa 60 districts kanila ng nakamit ang required 3 percent.
Sinabi ni Salceda na sa panukala ng Senado nasa tatlong restrive economic provision lamang nais amyendahan ito ay may kaugnayan sa public utilities, education, at advertising.
Sa kabilang dako, ayon kay Salceda isusulong pa rin ng Kamara ang Resolution of Both Houses No. 2.
Umaasa naman si Salceda na magpulong ang dalawang kongreso ng sa gayon mapag-usapan ang mga dapat palitan sa draft.