Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Baguio City na nagtapos na umano ang gastroenteritis outbreak sa siyudad na nakaapekto sa lampas 3,000 katao nitong mga nakaraang araw.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, nakipagpulong siya sa mga opisyal ng Department of Health at pinag-usapan ang epidemiologic investigation sa nangyaring outbreak sa siyudad.
“As a result of that, we can confidently say that we are already out of the woods. The outbreak is over,” sabi ni Magalong.
“We are now shifting to an endemic level wherein we’re now experiencing the usual occurrences of disease in our population in the City of Baguio. Meaning, ito na ang normal na mga diarrhea cases na nararamdaman natin,” dagdag niya.
Kung matatandaan, nagdeklara si Magalong ng isang acute gastroenteritis outbreak noog January 10 matapos makaranas ng pagsusuka, pagsakit ng tiyan at diarrhea ang mga residente at mga bisita sa Summer Capital of the Philippines.
Ayon naman sa DoH, nagsimula umanong dumami ang diarrhea cases sa Baguio noong December 21, 2023.
Sinabi naman ni Magalong na natutukoy na umano ng mga otoridad kung ano ang naging dahilan ng outbreak at kung paano kumalat ito.
Samantala, inihayag ni City Health Services Officer Dr. Celia Flor Brillantes na tapos na ang outbreak dahil natukoy na umano ang mga water sources at bumaba na rin umano ang mga naitatalang kaso ng diarrhea.
“The cases resulted from a water-borne source which means water sources have been contaminated. We had samples tested positive for nanovirus… however, bacterial culture is still ongoing and it cannot still be ruled out for bacterial pathogens,” sabi ni Brillantes.
Tiniyak naman ni Magalong na ang tubig na galing umano sa city water district ay ligtas inumin.
“In short, you can now drink directly from the faucet. Ganon ka potable ang water natin. Ganon kalinis ang water natin. There is no contamination insofar as Baguio district’s water supply as long as it doesn’t pass through an intermediate storage,” sabi ni Magalong.
Nitong nakaraan, sinabi ni Health Undersecretary Eric Tayag na contained na ang acute gastroenteritis outbreak sa siyudad, habang ipinaliwanag naman ni Dr. Donabel Panes ng City Epidemiology Surveillance Unit na ang posibleng pagkalat nito ay dahil sa pagdeliver umano ng kontaminadong tubig.
Sinabi naman ni Magalong na pito mula sa 12 water sources ay nagpositibo sa E.Coli habang nasa 12 naman ang nagpositibo sa coliform.
“Human sources tested positive for norovirus and other… However, it is still ongoing, and bacterial pathogens cannot be ruled out. Since 50 percent of those isolates are positive for Norovirus, the possibility of human-to-human transmission or person-to-person contact explains the spread of the infection,” ayon kay Panes.
“It seems that all age groups are affected. Walang pinili ‘yung ano natin. But the one that they saw with the highest admissions are the pediatric age group, which is— we understand. Kasi kapag bata nga naman ang nag tae, ang nanay dadalhin talaga ‘yan sa hospital,” dagdag niya.