Nilinaw ng aktres at beauty queen na si Kylie Verzosa na malusog pa rin siya sa kabila nang mga naging komento ng ilang mga netizens kaugnay sa kanyang pagpayat.
Nitong nakaraan kasi ay nagpost ang dalaga ng mga larawan niya at ayon sa ilang mga netizens ay talagang pumayat ang aktres at tila napapabayaan na umano ang sarili.
Sa isang video post, nilinaw ni Kyle na healthy pa rin siya despite sa mga sinasabi ng iba at giit niya, nasa “best weight” umano ang kanyang katawan.
“So I see lots of you guys have been calling me skinny right now. But I don’t think that’s the case. I feel like I’m at my healthiest right now and I’m not the very closest to being unhealthy. I feel like this is the best weight for my body,” sabi ni Kylie.
Inihayag rin ng dalaga ang ilan sa mga target niyang maabot ngayong 2024 at ayon sa kanya, focused din siya ngayon sa self-love at self-care.
“This 2024, I told myself that I’m gonna take even much better care of myself and my body,” sabi ni Kylie.
“So some of the things that I’ve been doing to keep myself healthy: I go to the gym, I weight train, I do yoga, pilates, I run, I bike, I spin; I gotta do saunas and ice baths recently; I’m pescatarian so I don’t eat chicken, beef or pork; I don’t drink; I don’t have carbs, I don’t have rice; I try to avoid sugar and try to get my eight hours of sleep,” dagdag niya.