Tatlong speed skater na Pilipino ang lalahok sa 2024 Winter Youth Olympics sa larangan ng karera sa short track.
Sa Gangwon, South Korea gaganapin ang torneo sa nasabing karera simula Enero 20.
Una nang dumating sa Gangwon kahapon ang isa sa tatlo, ang Fil-Am na si Peter Groseclose, ayon sa Philippine Skating Union.
Ang kasama niyang freestyle skier na si Laetaz Amihan Rabe ay susunod roon sa Biyernes at ang cross-country skier na si Avery Balbanida ay darating naman sa Enero 25.
Si Groseclose, 16 anyos, ay lalaban sa 500-, 1000- at 1,500-metrong karerahan na gaganapin mula Enero 20 hanggang 24, ayon sa ulat ng GMA News Online.
Si Rabe, 14, ay lalahok naman sa slopestyle at big air habang si Balbanida, 16, ay lalaban sa 7.5-kilometrong classic skiing at sprint freestyle mula Enero 29 hanggang Pebrero 1.
Naging kwalipikado si Groseclose sa 2024 WYO dahil sa kanyang magandang pagkarera sa 2023 ISU Junior World Short Track Speed Skating Championship sa Dresden, Germany.
Ang paglahok ni Groseclose sa WYO short track speed skating ay ikatlong pagkakataon na may kakatawan sa bansa sa prestisyosong kompetisyon na ginaganap tuwing apat na taon.