Inihayag ng pamahalaan ng Germany na nais nitong mag-hire ng mga Filipino skilled and hospitality industry workers ayon kay Department of Migrant Workers Undersecretary for Policy and International Cooperation Patricia Yvonne Caunan.
Sinabi ni Caunan na nilagdaan ng Pilipinas at Germany ang joint declaration of interest ngayong linggo, batay sa 10 taong gulang na Triple Win Program sa pagitan ng dalawang bansa, na pangunahing kinasasangkutan ng recruitment ng mga nurses sa ibang bansa.
Dagdag pa niya, nagsabi ang Germany na hindi lamang nurses ang gusto nilang i-hire kung ‘di ang ibang skilled workers gaya ng electricians, electrical engineer at iba’t iba pang trabaho sa hospitality sector.
“At ang isa pa pong naging magandang part nitong joint declaration natin of interest ay iyong tinatawag namin ngayon win-win situation kung saan no less [than] the President said na hindi naman puwedeng basta kumukuha lamang ng mga Filipino workers ang mga bansang ito sa atin at hindi sila nagiging parte ng solusyon sa pagkakaroon ng more–for example nurses dito sa ating bansa, ” sabi ni Caunan.
Ito na ang ikaapat na bansa kung saan nilagdaan ng Pilipinas ang mga kasunduan na naglalayong tugunan ang kakulangan ng mga manggagawa kundi pati na rin mga teaching staff sa pagtuturo sa nursing profession.
Bukod sa Pilipinas lumagda din sa kasunduan ang iba pang mga bansa gaya ng Canada, Vienna at Austria.
Ayon pa kay Caunan, naka pokus ang Department of Migrant Workers, sa pakikipag-ugnayan sa mga bansang tumulong, lalung-lalo na sa pagtugon ng nursing shortage sa bansa.