Aminado ang aktres na si Maris Racal na game siyang gumawa ng lesbian project o Girl Love at dalawang sikat na babaeng artista ang nabanggit niyang nais makatambal — sina Nadine Lustre at Barbie Forteza.
Ayon kay Maris, interesado siyang gumawa ng ganoong klaseng proyekto.
“Sana may romcom na GL na darating. I really want to work with Barbie Forteza and Nadine Lustre,” saad ni Maris.
Kung matatandaan, nauna nang inihayag ni Maris noong nakaraang taon na nais niyang makatrabaho si Barbie matapos siyang mag-reply sa isang tweet na tila shini-ship silang dalawa ng isang fan.
“Sobrang game if ever,” sabi ng dalaga.
Recently lamang ay nagte-trending ang aktres sa social media matapos mapansin ang mahusay niyang pag-arte bilang si Irene Tiu ng drama series na “Can’t Buy Me Love” at ayon sa kanya, ang kanyang inspirasyon sa kanyang role ay ang karakter ni Siobhan Roy sa comedy-drama series na “Succession.”