Iniulat ng pamunuan ng LRT-2 na naantala umano ang operasyon nito matapos magkaroon ng problema sa power supply alas-singko y medya ng umaga nitong Biyernes.
Nagkaroon ng kaunting pila ng pasahero sa Anonas station dahil dito, pero agad ding umalis ang mga pasahero at naghanap ng ibang masasakyan.
Ayon sa pamunuan ng tren, pasado alas siyete na ng umaga nang maging operational ang buong LRT-2 mula Recto Station hanggang Antipolo Station at pabalik.
Sa ngayon ay nasa 8 tren ang umaandar sa mainline.