Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuluyan na umanong nakabangon ang Pilipinas mula sa naging epekto ng coronavirus disease pandemic at maging sa nagaganap na Russia-Ukraine conflict at mga tensyon sa Middle East.
Sa kanyang pagharap sa mga miyembro ng diplomatic corps sa isinagawang taunang “Vin D Honneur” sa Malakanyang, iginiit ng Pangulo na back in business na ang bansa sa gitna ng gumagadang lagay ng ekonomiya at ang pagpapabilis sa paggamit ng pondo ng gobyerno.
“These, we hope to address in support of various partners and stakeholders. I continue to enjoin the diplomatic corps to work closely with us in identifying areas where we can pursue joint and collective endeavors and initiatives. It is with confidence that I announce that the Philippines has… I could say [has] gotten back [on] its feet from the reeling effect of the pandemic and the subsequent shocks that we have suffered from the Ukraine war and now from the conflict in the Middle East,” saad ni Marcos.
Binigyang-diin rin ng Pangulo na mayroon umanong mga hakbang na ipinatutupad ang gobyerno para ma kontrol ang inflation at patunay umano nito ang ang naitalang 3.9% inflation na naitala nitong buwan ng Disyembre.
Bumaba rin ang employment rate nuong buwan ng Nobyembre na nasa 3.6%.
Ayon sa Pangulo, ang Pilipinas ay mapapabilang sa fastest growing economy sa Asya.
“The Philippines is touted to become one of the fastest-growing economies among major Asian countries in 2023 as forecasted by multilateral organizations such as the ADB (Asian Development Bank), the ASEAN + 3 Macroeconomic Research Office, World Bank and the International Monetary Fund,” saad ni Marcos.