Kinatuwaan ng mga netizens ang social media post ng aktres na si Maris Racal dahil sa kanyang witty take kaugnay sa pagbili ng planner para sa taong 2024.
Nangyari ito sa kanyang broadcast channel na “irenetude” with more than 93K members sa IG at noong una, nag-share lang ang Kapamilya star ng isang candid photo niya na kinunan sa loob ng isang office and school supplies store.
Kasunod nito ay ang pagtatanong niya sa kanyang followers kung ibibili ba niya ang kanyang sarili ng isang planner for this year.
Ito nga naman kasi ang nakagawian ng mga tao lalo na ng mga estudyante and working professionals tuwing Bagong Taon para i-plot ang mga future plans and schedules nila sa buong taon.
“Bibili ba ako ng 2024 planner?” tanong ni Maris sa kanyang followers na tila may pagdadalawang-isip. “Parang ang corny.”
Umani iyon ng magkakaibang reactions from her fans na kung saan pinakamarami ay “Haha” with more than 5K.
Naaliw din ang mga fans niya nang muli siyang mag-post ng dalawang photos kung saan makikitang nagsusulat siya sa kanyang 2024 planner na kung iisipin, kahit nakornihan ay gagamit siya ng planner kaya bumili pa rin siya.
Iyon nga lang, tila struggling siya para dito base sa pahabol niyang hashtag na #stuDYING.