Isang lalaki sa Hong Kong ang nasintensyahan kahapon na mabilanggo ng tatlong buwan dahil sa pagsusuot ng t-shirt na may mapanghimagsik na slogan mula sa mga dating nagpoprotesta para sa demokrasya.
Sinabi ng hukom na si Victor So na alam ni Chu Kai-pong, 26, na nilabag niya ang batas dahil mayroon nang hatol dati laban sa mga slogan na nakatatak sa kanyang mga t-shirt.
Umamin kamakailan si Chu na siya’y nagkakasala at may mga oag-aaring pahayagan na “seditious.”
Inaresto at sinampahan ng kasi si Chu nitong Nobyembre dahil sa kanyang kasuotan bago sumampa sa eruplanong patungong Taiwan sa Hong Kong International Airport.
Nakita ng mga guwardya ng paliparan na may suot na t-shirt na may mga salitang “Free Hong Kong” at “Liberate Hong Kong, revolution of our times” sa salitang Intsik si Chu kaya isinumbong siya sa pulis.
Nakita ring may dala siyang t-shirt na may tatak na “Hong Kong Independence” at ang kanyang bagahe ay may lamang itim na t-shirt at tatlong bandila na parehong kulay na ginamit ng mga nagpoprotesta laban sa gobyerno at sa Tsina noong 2019.
Sa kanyang paglilitis, ang mga slogan ay sinabing nakakapag-udyok ng secession o himagsikan ayon sa National Security Law na ipinatupad noong 2020.