Hindi maikakaila na talagang palaban ang aktor, direktor at screenplay writer Xian Lim sa pagiging leading man sa Kapuso network.
Simula mung ito ay lumipat sa Kamuning mula sa Nother Ignacia, ibayong commitment at sipag, katotohanan at sinseridad ang ibinibigay ni Lim sa mga proyektong ipinagkakatiwala sa kanya.
Ang pinakamalaki nga ay ang pagiging leading man ni Ultimate Star Jennylyn Mercado sa “Love. Die. Repeat” na ipapalabas na sa Lunes, Enero 15, pagkatapos ng action-drama “Black Rider|.
Sa ipinakitang trailer at music video ng bagong dramng tiyak na marami ang magiging mausisa atr tututok, kitang-kita una sa lahat ang undeniable chemistry nina Xian at Mercado bilang mga bidang sina Bernard at Angela.
Sa sweet at tender moments, hatid talaga nilang dalawa at kilig to the max. Sa mga eksenang drama naman, damang-dama how well invested ang dalawa sa kanilang mga katauhan kaya may haplos sa puso ang mga ito.
Laging pinagdedebatehan ang husay at galing ni Xian sa pag ganap. May mga kumukuda pa nga at pinagduduhan ang best supporting actor win niya dati para sa “Everything About Her” kung saan kasama niya ang Star For All Seasons Vilma Santos, bilang nanay at si Angel Locsin ang kanyang naging kapareha at love interest sa nasabing pelikula.
Tiyak na ang mga duduso at katkatera, babagsak ang mga panga at hahangaan si Lim dahil sadyang iba ang emotional truth na ibinigay niya sa katauhan niyang si Bernard.
Siempre pa, hindi pwedeng hindi matanong si Xian tungkol sa relasyong wasak nila ni Kim Chiu.
Palagiang polite ang pagsagot ni Xiam at yung mga tanong na ayaw niyang tugunin, talagang wala kang maasahang sagot.
Pahayag ng aktor, ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ay may dahilan: “Lahat nga happens for a reason. So, we just have to move forward.”
Aniya pa: “We just got to work. Yun naman ang gusto ko, ang gusto natin, work on yourself and just keep on doing different things, doing different projects, keeping busy.”
Sa totoo lang, napaka-maaliwalas ng aura ni Xian nung presscon. Parang hindi dumaan sa break up at heart break. Bagay sa kanya ang pormang niyang bukas na moss green polo, sandong puti at khakis. Panalo ang kisig at tindig niya at kita talaga na matipuno ang kanyang dibdib.
Tila motto rin ni Xian Lim ang “living well is my best revenge,” huh!
Ito namang si Jennylyn Mercado, parang hindi nagka-anak ng dalawa, huh. Naka-little green dress kasi ito at talaga namang ang kurbada ng kanyang katawan eh tataubin ang sa mga dalaga pa.
Excited at ninerbiyos si Mercado sa pagbabalik niyang ito pero buo ang paniniwala niya sa proyekto, sa kwento nito, sa mga kasamahan niyang artista, at ang bago niyang direktor, si Jerry Sineneng na dating direktor sa Kapamilya station at Star Cinema movies.
Pangmalakasan ang pasasalamat ni Jennylyn kay direk Jerry sa pag gabay at tiwalang ibinigay sa kanya at sa kakayahan niya bilang aktres.
Sa trailer nga, grabehan ang mga dramatic moment ni Mercado, ang mga pag-iyak niya pangmalakasan at wagas. Gustong-gusto rin ni Jennylyn ang kwento dahil kakaiba ito at yung pagkakataong ibinigay kay Angela, para mailigtas ang minamahal niyang si Bernard sa trahedya, eh nagsusumigaw na pag mahal na mahal mo talaga, ipaglaban mo.
Gustong-gusto rin ni Mercado na katrabaho ang kanyang leading man, si Xian Lim dahil mabait ito, makulit, palatawa, at giving actor sa mga eksena nila.