Ibinalita ng aktres na si Valeen Montenegro na nalalapit na ang kasal niya sa kanyang non-showbiz fiance na si Riel Manuel at ayon sa dalaga, ngayong Enero ito gaganapin.
Sa kanyang IG, ibinahagi ng aktres naging beach trip nila ng soon-to-be husband at sabay sabi na ilang araw nalang ang aantayin nila para sa kanilang road to forever.
“366 days with you this year.. but in a couple of days.. locked in FOREVER NA BWAHAHAHAHAHA,” caption niya sa post.
Sa comment section, mababasa ang ilang komento ng kapwa-artista na tila excited na sa panibagong buhay ni Valeen, habang ang ilan ay nagpaabot ng “congratulatory” messages gaya nina Mavy Legaspi, Carla Abellana, Ina Feleo, pati na rin ang asawa ni Rocco Nacino na si Melissa Gohing.
Kung matatandaan, noong Enero nang inanunsyo ni Valeen na engaged na sila ng kanyang dyowa.
Ibinahagi pa nga niya na nangyari ang proposal habang sila ay nasa gitna ng kagubatan, kalakip ang ilang memorable pictures na nakaluhod si Riel sa harap niya, at ang eksena na napatalon siya sa tuwa.
Taong 2018 nang nag-umpisang mag-date ang dalawa at noong nakaraang taon ay inamin ng aktres na hinihintay nalang niyang mag-propose si Riel sa kanya.