Nasa 73 percent umano ng mga Pilipino ang hindi masaya sa naging aksyon ng administrasyong Marcos pagdating sa pagpapababa ng inflation sa bansa, ayon sa inilabas na survey ng Pulse Asia.
Batay sa survey, pito sa sampung Pilipino ang hindi umano kumbinsido sa aksyon ng gobyerno patungkol sa pagtaas ng mga bilihin habang siyam na porsyento lamang ang nagsabing aprubado sila sa aksyon ng gobyerno.
Dahil dito, sumadsad sa negative 64 ang net approval rating on controlling inflation ni Pangulong Marcos.
Tumaas ng 8.7 percent ang inflation sa bansa noong January 2023, ang pinakamataas sa loob ng 14 years.
Nananatili ang inflation bilang most urgent issues ng mga Pilipino. Sinundan ito ng pagtaas ng sahod, trabaho, at pag-aksyon sa kahirapan.
Sa kabila nito, nakatanggap naman ng 74 percent ang approval rating ng gobyerno sa pag-protekta nito sa mga OFW at 72 percent sa pag-aksyon sa mga kalamidad na nararanasan ng bansa.