Namatay ang piloto at pasaherong nakadamit ng Santa Claus nang bumagsak ang sinasakyan nilang eruplano sa Pransya nitong Linggo.
Pabalik sa isang children’s party ang dalawang nasawi na 68 at 79 anyos bilang proyekto ng kanilang flight club nang bumagsak ang kanilang eruplano dalawang kilometro ang layo sa Vichy-Charmeil airport, ayon sa mga taga-emergency services.
Na-shock naman ang mga batang edad 5 hanggang 13 na naghihintay sa eruplano na dumating sa Vichy plane club, ayon sa isang miyembro ng samahan na hindi nagpakilala.
Sila ay dinamayan ng mga tauhan ng emergency services.
Hindi pa malaman ang dahilan ng pagbagsak ng eruplano.