Iniulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na 51 percent sa mga ongoing farm to market roads network program sa ilalim ng kaniyang administrasyon ang nakumpleto na, na siyang target nila para sa taong 2028.
Ayon sa Pangulo, gusto ng kanyang administrasyon na makumpleto ang nasa 131, 410.66 kilometers farm to market road network program sa loob ng anim na taon at dagdag niya, nakapagtayo na sila ngayon ng 67, 328.92 kilometers na mga farm to market roads.
Katumbas umano ito sa 32 times na pabalik balik na biyahe mula Aparri hanggang Jolo.
Binigyang diin rin ni Marcos na ang nasabing proyekto ay patunay sa dedikasyon ng gobyerno para mapabilis ang pagbiyahe ng mga lokal na produkto patungo sa merkado at hindi lamang ito isang inisyatiba para mapalakas ang sektor ng agrikultura kundi magkakaroon ng kuneksiyon sa ibat ibang komunidad sa bansa.
Layon din nito na magkaroon ng direktang kuneksiyon mula sa mga local producers sa merkado.
Siniguro ng Pangulo na makakamit nito ang kaniyang target at kaniyang ipagpapatuloy ang nasabing proyekto.
”It is a testament to the magnitude of accomplishment of the government. It is not an initiative only to do with agriculture, it is a connection between all the different communities but of course its main purpose is to connect the markets and the producers— sa ating mga agricultural sectors lalo. Patuloy naman naming gagawin ito— mukhang mabubuo naman natin ‘yung ating 131, 410 kilometers at nakapag 51 percent na tayo at patuloy naman nating gagawin ito. So, we will continue to Build Better More,” sabi ni Marcos.