Inihayag ng Bureau of Immigration nitong Lunes na tumataas na umano ang bilang ng mga naitatalang departure flights sa Pipinas.
Ayon sa ahensya, nasa pagitan ng 30,000 at 31,000 departures kada araw ang kasalukuyang naitatala sa lahat ng international airports sa bansa na mas mataas umano sa dating 21,000 hangang 25,000 na daily departures noong lamang unang linggo ng Disyembre 2023.
Noong nakaraang taon, 13,224,308 na ang sumatutal na bumabyahe galing Pilipinas, kung saan lagpas pitong milyon dito ay mga overseas Filipino workers.
Ang naturang bilang departures ay mas nasa limang milyon na mas mataas kumpara noong bago magpandemya.
“A lot of Filipinos have traveled this year as countries reopened their borders after the pandemic,” ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco.