Aprubado sa Star for All Seasons Vilma Santos na kung sakaling magkaka-millennial remake ang Danny Zialcita’s “T-Bird at Ako” na sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre ang magbida rito.
Ang reaksyon nga ni Queen Vi sa panukalang ito ay: “Uy, heaven yan! Heaven ang team na yan! Parehong magaling yan!”
Ang “T-Bird at Ako” ay isang satirical black comedy na isinulat ng aktibistang si Portia Ilagan na lesbian sa totoong buhay at idinirehe ni film master Danny Zialcita. Tungkol ito sa isang abogada, si Atty. Sylvia (Aunor) at ang kanyang mananayaw na kliyente, si Sabel (Santos) at ang kumplikado nilang “relaasyon”. Matapang ang tema nito dahil noong 1982 ito ipinalabas, mahigpit na mahigpit ang sensura sa mga pelikulang Pilipino ang temang babae na nagmamahal at nagnanasa sa kapwa niya babae ay sadyang mapangahas at tunay na kontrobersyal. At lalong naging matindi ang kontrobersya ng nasabing pelikula dahil the height ng kasikatan nina Nora at Vilma nung ito ay itinanghal sa sinehan. Nakakabaliw kung paano inaayos ang billing ng dalawang reyna.
Ang Superstar at Star For All Seasons ay unang nagsama sa “Young Love” kasama ang kanilang orihinal na ka-love teams, sina Tirso Cruz III at Edgar Mortiz noong 1970. Dekalibreng aktres na sila nung magsama sila sa Ishamael Bernal’s “Ikaw ay Akin” na ipinalabas nung 1978. Kasama nila rito ang orihinal na Drama King na si Christopher de Leon.
Kaya kung gagawin nina Bernardo at Lustre ang millennial remake, marami talaga ang tuwang-tuwa sa kaganapan. Ang nais lang ng lahat eh gawing mas updated ito, lalo na tungkol sa aspekto ng pagpapakita tungkol sa lesbian feelings at sentiments ni Atty. Sylvia at kung ang magiging konklusyon ng bagong pelikula.
Mayorya sa opinyon, ang sinusulong, kay Queen Kath bigay ang katauhan na binigyang buhay ng Pambansang Alagad ng Sining Para sa Broadcast Arts at Pelikula. Ang maalindog at star dancer na kamandag at pangrahuyo, si Sabel na katauhan ng kapapanalo lamang na MMFF Best Actress ay karapat-dapat kay president Nadine.
Ang mga fan nga, may portmanteau na agad para sa dalawa, ang KathDine. Ipinapangako ng hukbong Bernardo at batalyong Lustre na kanilang titiyakin super box-office hit ito kapag itinanghal na sa mga sinehan. May panawagan na nga sila sa Star Cinema na sugalan at bigyang katuparan nila ang pelikulang minimithi.
Naku, naku, naku, panawagan kay Zaido at sa mga Pulis Pangkalawakan, pati na rin sa buong fuerza ng Sansinukob, ibigay niyo sa amin ang “T-Bird at Ako” na bidang-bida sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre.
***
Ang “T-Bird at Ako” remake ay unang lumutang na pagsasamahan dapat nina Judy Ann Santos at Claudine Barretto noong ang dalawa ay tinuturing na pinaka-maigting na magkaribal sa karera at maaring hirangin na pinaka-huling reyna ng pelikulang Pilipino. Hindi natuloy ang sinasabing pagsasama at ang pangarap nina Santos at Barretto na maisama sa estrellang listahan ng Philippine showbiz queens ay hindi naisakatuparan.
Si Claudine, may mga kontrobersyal na pangungusap na pinakawalan sa panayam niya kay Luis Manzano. Ang resulta nito, ang legal counsel ng kanyang estranged husband, si Raymart Santiago, ipinapaalala sa kanya na mag prevailing gag order tungkol sa kanilang annulment case. Ang bagong palatuntunan rin ni Claudine sa Kapuso network, sila-sila lamang ang nanonood kaya ang pamagat nito, walang masyadong nakaka-alala at tanda.
Si Mrs. Judy Ann Agoncillo naman, ay makakasama nina Arjo Atayde at John Arcilla sa kabogerang “The Bagman” kung saan super makapangyarihang babae ang katauhan niyang bibigyang buhay.