Basag na naman sa mga bashers ang beauty queen-actress na si Herlene Budol matapos nitong magpost ng mga larawan kung saan nakababad siya sa jacuzzi at punung-puno ng mga bula ang katawan.
“Dakak,” maikling caption ni Herlene.
Ang mga larawan ng aktres ay hindi pinalampas ng mga bashers na hanggang ngayon ay nakaabang pa rin sa kontrobersiyang kinasangkutan nito kaugnay ang kanyang “Magandang Dilag” co-star na si Rob Gomez.
Matatandaang naging laman ng balita si Herlene matapos mag-leak at mag-viral ang screenshots ng conversation nila ni Rob.
Narito ang ilan sa mga komento ng madlang pipol sa Instagram post ng Kapuso star.
“Ang sarap KUMAIN sa Above Sea level,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa sa post ni Herlene, “Gutom lng yan kain k muna idol.”
“Ang sarap kumain jan eh,” hirit pa ng isa.
Una naman nang itinanggi ni Herlene noon ang chikang may namamagitan sa kanila ni Rob pati na rin ang balitang nagdadalangtao siya.
“Opo, Squammy man ako sa paningin nyo. indi ako hayok sa laman. Produkto akong broken family. Pinalaki ako ng lolo at lola ko ng maayos,” sabi ni Herlene sa isang naunang pahayag.