Inihayag ng Department of Trade and Industry na maaari umanong maaprubahan ang petisyon ng taas-presyo ng mga iba’t-ibang manufacturers.
Ayon sa DTI, karamihan sa mga humirit ay ang basic commodities gaya ng bigas, sardinas, instant noodles, canned meat, kape, bottled water, asin at mga condiments.
Sa ngayon ay naglalaro sa P0.25 hanggang P7.25 ang hirit nilang taas presyo habang ang Pinoy tasty at Pinoy pandesal ay maaaring aprubahan ang pagtaas ng mula P2 hanggang P2.50.
Paliwanag naman ni DTI Assistant Secretary Amanda Nograles na mula pa noong 2022 ay naghain na ng petisyon ng taas presyo ng mga manufacturers.
Nitong nakaraan lamang, nagkaroon ng tapyas-presyo sa kada litro ng produktong petrolyo pero may taas-presyo naman sa presyuhan ng liquefied petroleum gas ang bumungad sa mga Pilipino sa unang araw ng taong 2024.