Inihayag ng ilang mga transport at civil society groups na na maghahain sila ng motion for status quo ante order sa Korte Suprema kasunod ng hindi paglalabas ng hinihiling nilang temporary restraining order laban sa December 31 ng franchise consolidtion.
Sinabi ni Atty. Neri Colmenares, chairperson ng Bayan Muna at legal councel ng petioners, maaring magkaroon umano ng irreparable o hindi na maaayos na injury kung matutuloy ang pagkansela sa mga prangkisa.
Mas mainam umano hintayin ang desisyon ng Korte Suprema sa kanilang mga petisyon bago magkansela ng prangkisa dahil mas mabigat ang epekto nito sa nakararami.
Dagdag pa nito pwede naman umanong magsabi ang pangulo na hintayin na lamamng ang desisyon Korte Suprema dahil wala naman aniyang mawawala sa Gobyerno.