Tinatayang aabot sa higit 17,000 Grade 11 students mula sa iba’t-ibang mga state at local universities and colleges ang pinangangambahang maaapektuhan ng pagpapatigil sa senior high school progam sa susunod na taon.
Kasunod ito ng utos ng Commission on Higher Education na aalisin na ang SHS program sa ilang mga paaralan sa susunod na school year.
Sa datos na inilabas ng Department of Education, mula sa kabuuang 2.1 million Grade 11 students ang enrolled ngayong school, kung saan mula rito ay nasa 17,751 na mga Grade 11 students ang naka-enrol naman sa mga state universities and colleges, at local universities and colleges.
Ayon kay DepEd Undersecretary Michael Poa, mayroong dalawang opsyon ang mga maaapektuhan ng naturang kautusan tulad na lamang ng pag-eenroll sa mga public o private schools kung saan maaari silang makapag-avail ng kanilang mga voucher program.
Samantala, nilinaw naman ni Poa na hindi maaapektuhan ang mga benepisyaryo ng voucher programs sa paghinto ng SHS program sapagkat wala aniyang incoming Grade 11 students ang tinanggap sa SUCs at LUCs bago pa man magsimula ang school year.
Sa ibang balita, mas maraming bilang umano ng mga Filipino millennial at Gen Z ang nababahala sa kanilang sitwasyon sa pananalapi at kalusugan na nag-uudyok sa kanila na humanap ng mga paraan upang palaguin ang kanilang pera habang naghahanda para sa kanilang kalusugan at financial protection para sa hinaharap.
Ang datos na ito at batay sa isinagawang survey ng isang grupo kung saan makikitang ang mga nakababatang millennials na ipinanganak noong 1989 hanggang 1996 ay umaasa ng kasaganaan sa kalusugan hanggang sa edad na 55 anyos.