Sumipa na sa mahigit 500 ang mga naitalang nagtamo ng pinsala sa katawan dahil sa paputok, ayon sa Department of Health.
Sa pinakabagong ulat ng ahensya nitong Miyerkules, 114 bagong kaso ang nadagdag na naitala mula 6 a.m. ng Enero 2 hanggang 5:59 a.m. ng Enero 3.
Sa mga bagong kaso, naitala ang isang 10-buwang gulang na lalaking sanggol mula National Capital Region na nasugutan ang kanang mata dahil sa kwitis na sinindihan ng ibang tao sa kanilang bahay. Sa ngayon, siya na ang pinakabatang biktima ng paputok.
Naitala rin ang isang 77-anyos na lalaki naman mula Ilocos Region na nagtamo ng paso sa katawan dahil sa paputok na whistle bomb, na sinindihan din ng ibang tao sa kanilang bahay. Siya naman ang pinakamatandang biktima ng paputok.
Mula sa pinakabagong tala, 97 percent daw dito ay naganap sa bahay at sa mga lansangan, 98.86 percent din daw sa mga bagong kaso ay lalaki.
Sa kabuuan, meron nang 557 kaso ang naitala na nasugatan dahil sa paputok—555 kaso rito ay dahil sa paputok, ang isa ay nakalunok ng watusi, at ang isa ay biktima ng ligaw na bala.
Sa naturang bilang, 306 ang mula sa NCR, 55 mula sa Ilocos Region, 42 sa Central Luzon, at 39 naman mula Calabarzon.
Ayon sa DOH, 64 percent ng mga nagtamo ng pinsala sa katawba ay dahil sa legal na mga paputok na kwitis, pla-pla, boga, 5-star, fountain, luces at whistle bomb.